Sunday, June 26, 2011

words

"it seems to me that you know just what to say, but words are only words.. can you show me something else?"
--rob thomas

i'm a vocal person.
masalita. madalas magcomment. mahilig rin makinig sa sasabihin ng iba.
and i am captivated by the sweetest of words.
amazed by the deepest of thoughts.
laughs at many jokes.

pero katulad ng maraming bagay sa mundong ito, ang mga salita, ay kailangan rin patunayan. panindigan. dahil parang oras na lumilipas.. hindi mo ito maibabalik, matapos magmula sa sarili mong bibig.

he said.."
buon pomerigio! :)) como estas? :) Je t'aime!! :)) "
i answered.."bien bien.. te quiero mas. mua."

hindi mahalaga kung ano yung linggwahe na ginamit ee. mas mahalaga yung meaning. yung nagsasabi at kung paano niya to sinabi. yun ang mahalaga sa lahat.

less talk less mistake.
but less talk would mean less communication.
and that may cause complications.

the key to your heart..

..lagi akong tinatanung ng bunso naming 9 years old kung ano raw ba ang napapala ko sa "pagboboypren". natatawa ako kasi kapag tinatanung niya yun, yung tono ng pananalita niya, parang gawain yun na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan gawin at i-accomplish ng mga tao.

kaninang umaga tinanung niya ulit sa akin. dati natatawa ako sa tanong niya, pero kanina mas natawa ako sa sagot ko.

syempre naman pinag-isipan ko. kung bakit nagkakacrush, bakit may nanliligaw, bakit sa dami ng taong nakapaligid sa iyo, naghahanap ka pa rin ng mas intimate sa friendship. yung tipo ng taong gusto mong makasama araw-araw kahit magulo ang buhok niya, o magulo siya kausap, at kahit na hindi perpekto, hinahanap-hanap mo pa rin.
bakit?

"kasi gento yan," sabi ko. "..mabubuhay ka naman ng wala yun eh. makakapasok ka sa langit ng single ka. pero parang isang malaking treasure box, sa buhay ng isang tao kailangan niyang hanapin yung susi para makita yung mga laman niyang treasures."

naintindihan naman yun ng bunso namin. and i was proud of my answer. kasi personally, pakiramdam ko may treasures inside me na may kanya kanyang susi. na kapag nawala ang susi, wala na. di pwede ang duplicate. kaya ang susi, iniingatan. di ba?

"eh san mo naman hahanapin yung susi, ate?"

haha. saan nga ba?
basta yung akin, nahanap ko na.. :]

Thursday, June 9, 2011

time and space

"YOU CAN'T dictate anybody. you can only convince them."

i go with those words when i have arguments.
but then again, i'm no hypnotist nor a charmer..

once a while, in someone's life, we get to make people decide for themselves.
we can't always tell them to do things our way.
people have minds and feelings of their own.
people have freewill.

but if you really love those people, you won't let them stray away.
you would help them find the road again. help them see sense.
be patient and give them time.
give them space,
enough to let them breathe in thoughts that'll clear their minds.

hindi madaling maghintay.
pero kung nagtitiwala ka talaga sa tao, kahit gaano pa katagal yan.. magpapasensya ka.
matagal ko nang naisip yun.. and in the past months, madalas ko yun sinasabi sa sarili ko.
kung ikaw hinihintay ka ng iba,
minsan, pagkakataon naman nilang ma-late.. ikaw naman ang maghihintay.

give and take.
hindi pala pwedeng puro give.
lalo nman hindi pwede yung puro take.

kung nagawa mo na ang parte mo, nsabi mo na ang lahat ng gusto mong sabhin,
pause and let the other side make up their minds.

ngayon kung hndi mo pa kayang sabihin ang naiisip mo,
o sa tingin mo.. kahit anung sabhin mo, kulang pa rin..
well, hayaan mo muna ang kabilang panig ang magsalita.
hndi umiikot ang mundo sa'yo at hindi rin tama paikutin ito sa kamay mo.

there are things.. A LOT of things that you can't change.
but if you can't change it,
change the way you think about it.

let people know what you think, hindi yung sinasarili mo lang lahat.
kung may problema ka, hayaan mong magbigay ng opinyon ang iba.
kung may mga concerned sa'yo.. huwag kang magalit kung kinukulit ka nila.
mahal ka lang siguro nila talaga.

kung ngayon masaya ka, at feeling mo, hindi mo na kailangan ang iba,
isipin mo ang mga panahon na walang dumamay sa'yo kundi sila.

kung ngayon may problema ka, at feeling mo, walang makakatulong sa'yo.
isipin mo ang mga panahon na nakabangon ka dahil sa kanila.

hindi ko kayang mangumbinsi kung sarado ang pag-iisip ng isang tao.
makitid rin minsan ang utak ko at hindi ako nakkinig sa iba..

but if we can remind people who they are,
who they used to be,
who value them most,
and who are there for them..

everything will follow,
fall into their rightful place once more.

Friday, May 6, 2011

HMD!!

..kelan ka huling gumawa ng Mothers' Day card?

ako.. grade six? hmm, di ko matandaang gumawa ako nung highschool..
siguro merun, pero hndi ko binigay, lalo nman ngayong college.. haha. walang wala.

dati, kpag gumagawa ako nun, nakkipagtalo pa ako sa teacher ko na dpat ung apostrophe nsa pagkatapos ng S sa Mothers kasi nga plural. haha

but it's not that..

kahit na siguro, maders dey ang ilagay ng mga bata at anak nila.., it will not matter, as long as it's from them.. from us.

..kelan ka huling nag-i love you sa nanay mo?

hindi ko na rin matandaan kung kelan yung akin..

nakakahiya ako.

sa dinami-rami ng nangyayari sa buhay ko ngayon,. Mothers' Day lang ang nag-udyok sa aking galawin ulit ang blog ko.haha, nagulantang talaga ako nung nalaman kong May 8 na pala ang Mothers' Day..

..ang mama ko, hindi nman siya nag-eexpect.
or so it seems.

alam naman niang wala kaming mga trabaho para bgyan xa ng mamahaling mga regalo..
pero ako, kpag gusto ko talagang magregalo sa kaklase, o kaya sa kaibigan.. nag eeffort ako..
kaya nasabi kong nakakahiya ako kasi sa mama ko? hindi ko man lang maipakita ung nagagawa ko para sa ibang tao.

this year, natuto akong gumawa ng videos, haha.
4th year hs pa sa amin tinuturo yun pero ngaun lang ako nagkainteres.
gagawa ako for Mothers' Day tapus ipapanuod sa church.. hehe, bongga :D

sana makita ng mama ko na para sa kanya ko lang idini-dedicate ang lahat ng yun.HAHA
di nman. para sa lahat ng nanay yun sa church namin syempre.

ang akin lang, si mama ko ang inspirasyon ko dun..

trivia:
--supalpal (big word) SUPALPAL ako pagdating sa math. hndi nman mala-line of 7 ang grades ko, pero hndi rin umaabot ng 90.. maswerte na ung 86 ko. hahaha, si mama ko lang ang nagttyagang magturo sa akin, gang algebra hasler yan!

--siguro, hndi ako gagaling sa English kung hndi ako binabasahan ng storybooks ni mama nung bata pa ako. fairy tales, komiks, Bible.. name it, nabasa na namin yan. ahaha. she's just so patient with me kahit madalas tinutulugan ko lang siya. xD at hindi nman sa pagmamayabang (mayabang talaga ako) 99+ lang nman ang VERBAL ABILITY ko sa NCAE (National Career Assessment Examinations) nung fourth year. utang ko rin kay mama yun.

--drawing. magaling rin xa, pero mas gumaling ako.haha.... gagamit pa kami ng carbon paper dati, mapa lang ng Pilipinas ang assignment.haha

hmm, dami ko pang naiisip, pero kung iisa isahin ko siguro ang naituro at tinuturo sa akin ng mama ko, ssobrang habaaa ang post na ito at hndi niyo na babasahin. xD

ay, tinuruan nia rin pala ako ng card games pero hndi ko talaga makuha ung tong-its ee. xD

aa.. ang mama kong OC. "pey naka-lock n ba yung pinto? nkatanggal n ba yung mga saksak ng appliances? yung kalan, pey, nka-off ba? yung pinto? yung saksakan, na-check mo? yung.."

:))

"MAMA! OKAY NA LAHAT!"

daig pa unli nian kpag nagbbilin.
minsan nakakarindi..
pero kpag hindi ka nakinig, naku po. magsisisi ka. haha

i just love her.. so much.
kahit hndi kami magkamukha, kahit tinutukso ako nung bata akong ampon kasi hndi ko kamukha mama ko.. straight hair, white complexion.. e t c. e t c..
proud akong sabihin na namana ko ang talino niya, ang faith na kagaya ng kanya, ang patience? haha..
sense of humor. simple lang mga banat nian, pero hndi ka ttigil sa kakatawa. :D

..kelan ka huling nagpanggap na may sakit para alagaan ka niya?

nung bata ako, may nasira akong thermometer kasi sinawsaw ko sa kape para uminit.
siguro alam yun ni mama, siguro hindi.. i dunno. she's good at those stuff, hndi nagagalit yun ee, nagtatanung lang ng BAKIT? tska ako iiyak at magcconfess. haha.
so ayon, nakasira ako ng thermometer para lang igawa niya ako ng lugaw at lagyan ng bimpo sa noo..

panganay kasi kaya gusto kong feeling bunso. yung bini-baby?hahaha. nakakamiss.

"sanay di magmaliw ang dati kong araw.."

mula sa paggising ko tuwing umaga, hanggang sa pagtulog, dama ko ang love at care ni mama.
i thank God kasi may mama pa ako.
i thank God kasi si mama ang nanay ko.
i thank God.. kasi sa dinami dami ng mabait sa mundo, sa tulad ko pa binigay ang mama ko.

;)

this Mothers' Day, have the courage and say "Happy Mothers' Day" to your mom.
i dare you.

for once, clean up the dishes, sweep the floors, do your bed, wash your clothes..
for once, show you love her.. because everyday, EVER SINGLE DAY.. she shows it to you.

maligayang araw ng mga nanay :)

Friday, April 1, 2011

taho

..kumakain ka ba nun nung bata ka?


hanggang ngayon kumakain pa rin ako nun, lalo na kapag maagang maaga tapos natiempohan kong dumadaan sa harap ko si manong tapos may pera ako pambili.
noon naglalabas pa ako ng mug ng papa ko para mas malaki ang lalagyan, kahit limang piso lang ang bayad. haha
tapos magpapadagdag ako ng arnibal tska sago, ayokong ipahalo kasi napupunta yung matamis sa ilalim ee.

sa school, naku po. kapag may dumaang magtataho, unahan sa pagbili. ma-umaga, ma-hapon.. bibili at bibili kami. college na pero adik pa rin sa taho.

pero minsan, kapag wala ka sa mood, kahit gaanong sigaw pa ni manong at daan sa harap mo, walang epekto ee. kahit isipin mo pang matamis ang arnibal at dadagdagan niya ng maraming sago bumili ka lang.. ayaw mo pa rin.

bakit?

ewan ko. pana-panahon lang siguro?
hindi ko alam. gusto kong malaman kasi parang mali,.

tapos kung kelan siya nakalagpas, namaos na kakasigaw ng TAHOOOO.! tska ka maghahabol? kung kelan nakaliko na si manong sa susunod na kanto tska ka lang mag-eeffort tawagin siya at pabalikin?
weird, ayt?

hmm.. alas-diez ng gabi nagccrave ako sa paborito ko nung bata ako. TAHO. haha. bukas, baka makabili ako. sana meron.
sana hindi ako lagpasan ni manong..

Monday, March 28, 2011

silent sanctuary

wala akong maisip na title.hahaha

gustong-gusto ko ung mga songs nila..

wala lang. nasabi ko lang.xD

soooongs..

ang buhay parang isang mahaba at masalimuot na kanta, at xempre, tayo ang composers and singers.

minsan, solo.. duet, choir.. acapella o puro instrumentals lang.

hindi natin malalaman kung kelan dapat itaas ang tono, pero sunod pa rin tayo..

minsan nao-off ang boses, pero tuloy pa rin sa pagkanta.

ang bawat kanta ay may intro, chorus and ending..

kung nasa kalagitnaan ka ngayon ng chorus, sige lang.

kung intro pa lang.. kaya mo yan! ipagpatuloy :)

kung naffeel mong magwawakas na ang kanta't tugtugin, lasapin mo na ang bawat nota.

kung gusto mo pang kumanta.. gumawa ka na lang ulit ng bago., or better yet,

dugtungan mo na lang kung ayaw mu pang tapusin.

pero hindi lahat ng kanta ganun, d ba?

ung I love the way You Lie ni rhianna may part2, pero may kasunod pa ba?

wala na.

pwede pang dugtungan un pero nakakasawa na siguro, d ba? :))

sa school, may sarili tayong album..

rock siguro ang sa akin.

tapos sa bahay, screamo.hahaha

sa church? malamang praise songs.

classic, reggae, pop..

acoustic, RnB, OPM..

may kanya-kanya tayong tugtugin minsan, hindi natin kayang sakyan ang tugtugin ng iba,

merun naman, hndi kayang kantahin ang awit na ating kinakanta.

minsan hahawakan pa lang natin ang mic, may nagrereklamo na.

minsan, ibinababa na natin ito, may nagrerequest pa.

nasasa'yo na un kung pagbibigyan mo sila o titigil k na.

madalas nga lang, hindi naiintindihan ng iba, na pagod ka ng kumanta..

sawa ka na sa mga nota.

kapag tinuldukan na ang lahat sa composition, tigilan na.

kapag nagsimula ng panibago, panindigan.

kapag gustong tumigil sa gitna ng chorus, pag-isipan.

lahat ng bagay, nakaka apekto sa saliw ng kanta,

bawat simbolo at letra, may halaga.

pero ito lang ang pakatandaan mo,

BUHAY MO ITO AT KAYA MONG GUMAWA NG SARILING TUGTUGIN MO.

huwag iasa sa iba ang kantang laan lang para sa iyo

at matuto kang pumalakpak, kasi hindi sa lahat ng oras, ikaw ang nasa entablado.

gandahan natin ang paggawa ng awitin. :)